"For in between the shades are shafts of light. I have learned to embrace both: the dark and the bright." ~ Gab Reinoso, November 2010
Friday, November 2, 2012
Mga bagay-bagay na hindi mo naman itinatanong tungkol sa akin, pero sasabihin ko pa rin:
61. Noon, paborito ko sa UP Vinzon's Hall food center yun Ginisang Corned Beef with Sayote. Ngayon, paborito ko ang Ginisang Sardinas with Sayote.
62. Hindi ako mahilig mag-shorcut, mas gusto kong lakarin ang mahabang kurba sa daan.
63. Marami akong alaala tungkol sa UP Sunken Garden: lahat dahil sa CMT =P
64. Naging voice talent ako sa mga japanese cartoons, pero HINDI sa Voltes V.
65. Sa kolehiyo madalas akong umupo sa tabi ng bintana.
66. Sinasagot at dinudugtungan ko yun mga nakasulat sa armchair, pati na yun sa mga pader.
67. Pag may tabinging frame sa pader, aayusin ko iyon-- unconsciously.
68. Pag hindi ko naisuot ang relos ko, babalikan ko iyon kahit malayo na ako sa bahay.
69. I once walked the distance from Merville Park in Paranaque all the way to Libertad in Pasay. Hindi ko kasi napansin wala na pala akong pamasaheng pauwi. Yun akala kong barya sa coin purse ko eh isa palang medallion!
70. Nung college ako, akala ko ako yun tinutukoy ng classmate ko na crush nya. It was after a week of carrying her books that I realized she was referring to my seatmate! Hu hu hu
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment